corny nung title no? wala kasi akong maisip na title e.
nanaginip ako kagabi, nagddrive daw ako... ng motorsiklo. at sinabi ko kay icy, kasi naka-angkas sya, na yung nasa lisensya ko ay pangkotse lang. di pwede ang motor. tapos isa lang ang helmet kaya ako lang. tapos pupunta ako ng school dapat, kaso parang 2 days yata yung byahe. kaya nagpagabi kami sa kalye ng eating buddies ko. tapos kinabukasan nagmotor ulit ako. at ako lang. may kailangan daw puntahan na kompanya kasi magrereport daw. irerepresent yata yung school o yung course. anyway, ayaw ko daw pumunta. pumunta ako pero tiningnan ko lang yung nangyayari. nasa labas lang ako kasi glass yung walls nila kaya kita lang sa labas. at si joyce na daw ang magrereport. si joyce po ay HS friend ko, friend ko pa rin syempre, nung HS ko sya nakilala. naka st. paul college uniform sya na suot. at may hawak sila ng cartolina para magreport.
tapos si kz (isang bisot at eating buddy) na ang nakita ko. sasabay daw sya sa MOTORSIKLO ko papuntang school pero sinabihan muna nya ako na kunin daw yung ibong adarna o florante at laura (di ko maalala e, basta isa dun) na namin na libro sa kabilang building. sabi nya iwan ko daw gamit ko dun kasi babalik naman daw kami, sabi ko ayoko kasi uuwi na ako pagkagaling sa school. magkikita din daw kasi sila ng mama nya doon kaya iwan ko na lang gamit nya. tapos sumunod ako. nung hinahanap ko na yung libro (yung libro namin nakapatong sa iba pang mga libro. yung amin nakahiga sa mga nakatayong libro. gets? may mga nakavertical na libro tapos ung amin nasa ibabaw at nakahorizontal. basta yun.), nahanap ko na yung akin at yung kay kz di ko mahanap. sobrang tagal ko na daw naghahanap, may lalaki at babaeng lumapit, mag fill-out daw ako ng form para sa something-number. di ko matandaan. buradong alaala.
tapos, "karina...karina...pabuksan naman yung e-mail ko."
si mommy na, ginigising ako kasi papabuksan nya yung e-mail nya.
i never got to finish my dream. i do not know if i were able to go to my school with kz and with the ibong adarna/florante at laura book. weird dream it was. yeah...
bakit ko nga pala to kinikwento? it does not matter anyway. gusto ko lang kasi magtype. wala kasi akong magawa. nga pala, tinamad ako manood ng american idol kanina. natulugan ko yung 3pm at 4pm na palabas. tapos yung 8pm, tinamad na ako. ewan. basta bukas, manonood ako kasi finals na talaga. sino kaya? good luck sa kanilang dalawa. :)
hello marius!